The Comedy Room

.................................Laugh all you can.

Blog Ong has moved to a NEW HOUSE. Click smiley to be redirected. See you there!

5:37 AM

Blog Ong's: Top 10 JOKES NA AYAW MO BASAHIN

Posted by NEIL LORD V. GUITANG |

Eto na sariwang-sariwa ang pagkabilasa ng mga jokes na ito na AYAW MO MABASA.

Sigurado ka gusto mo pa basahin?

Sige ka baka mabobo ka. Mahirap mahawa sa Bob-ong Genius sige ka.

Teka, teka, sandali!!! Ge na nga, bahala ka! (e sa gusto mo matawa!!!)

1.
Tatay: 'Nak, bili mo nga ako ng softdrinks.
Anak: Pepsi o Coke?
Tatay: Coke.
Anak: Bote o In-can?
Tatay: Bote.
Anak: 8 oz. o Litro?
Tatay: Buwisit ka! Tubig na nga lang!
Anak: Mineral o Distilled?
Tatay: Mineral.
Anak: Malamig o Hindi?
Tatay: Walang hiya ka, papaluin na kita!
Anak: Walis tingting o Tambo?
Tatay: Hayop ka!
Anak: Baka o Kambing?

2.
ANG ILONG!! (Bow!)

TUKMOL: Kung matalino ka talaga, bakit dalawa ang buyas ng ilong natin??
KUPS: yun lang, hindi mo alam?? Siempre, para makahinga habang nililinis natin yung isa!!!

3.
Barker: Ah Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Cubao! Isa na lang aalis na! Cubao! Cubao! Cubao!
Pasahero: Cubao?

4.
Pag-uusap ng dalawang mag-syota matapos tumawid sa kalye ang babae habang umuulan ng malakas. Papunta ang babae sa kabilang kalsada para puntahan ang lalaking boypren.
Boypren: "O, bat basang-basa ka?"

5.
Dalawang bingi naguusap:
Bingi-1:
Mamamalengke ka ba?
Bingi-2: Hindi. Mamamalengke ako.
Bingi-1: Ah, kala ko mamamalengke ka.

6.
Praying for 10 Pesos Sa loob ng simbahan ng Quiapo, isang batang pulubi ang mataimtim na nanalangin sa Diyos.

Pulubi: "Panginoon kung maaari po sana ay bigyan ninyo ako ng sampung piso dahil gutom na gutom na lang po ako."

Narinig sya ng isang pulis na kasalukuyan ding nagsisimba at bumilib sya sa katatagan ng bata sa pananampalataya sa Diyos. Sa kanyang habag ay dumukot sya ng limang piso at iniabot sa bata na ang sabi: "Amang, narinig ng Diyos ang panalangin mo at heto tanggapin mo ang perang ito at ibili mo ng pagkain".

Tumingala ang bata sa pulis, kinuha nya ang limang pisong iniabot at muling yumuko para manalangin: "Panginoon, salamat po sa pagdinig ninyo sa aking panalangin, pero sana naman po sa uli-uli wag na ninyong pararaanin pa sa pulis, kasi malaki na ang bawas".

7.
TITSER: Ano ang PAST TENSE sa LABA?
Blog Ong: Naglaba mam!
TITSER: Tama! Ano ang PRESENT TENSE?
Blog Ong: Naglalaba!
TITSER: Tama! Ano naman ang FUTURE TENSE?
Blog Ong: MAGSASAMPAY mam!

8.
PILITA CORRALES - Asia 's Queen of Song
LANI MISALUCHA - Asia 's Nightingale
REGINE VELASQUEZ - Asia 's Song Bird
GLORIA MACAPAGAL ARROYO - "Mole of Asia "

9.

2:33 AM

Blog Ong's: Top 10 Ngiting Animal!

Posted by NEIL LORD V. GUITANG |

Nasabihan ka na bang, "Uy, ganda mo ngumiti ah, killer smile!"
Tas ang sagot mo naman, "Ah talaga? Wow tenk u!"

Ikaw nasabihan ka na bang maganda ka ngumiti?

Naniwala ka naman?

PAANO BA
NGUMITI ANG MGA ANIMAL????

1. Ngiting King Kong
Ganito ngumiti ang mga ninuno ng mga taga-Amazon. Ganito ngumiti ang mga disipolo ni Charles Darwin. Sila yung mga taong hanggang ngayon naniniwala na galing sila sa lahing unggoy. Hindi nila matanggap na sila ay nagkatawang tao at hindi na unggoy.



2. Ngiting Totoy Mola
Ganito naman ngumiti ang mga papabols ng mga...churva. Kapag ganito ngumiti ang boyfriend mo, maswerte ka. Kung bakit? Alam mo na yun.

Malalaki at maseselan ang mga taong ganito. Sila din ay mabibilis (sa lahat ng bagay). Higit sa lahat ito ang mga taong laging tumatambay sa karerahan at tumataya sa...lotto.

Marami din ganitong ngumiti sa tanyag na Wright Park sa Baguio. Marami at sagana sila kung umihi. Madalas sakop sa buong barangay ang panghi ng kanilang ihi. Pero at least, makapal ang kanilang balat.

Mag-ingat sa kanila sapagkat sila ay manyakis!


3. Ngiting Prince Frog
Isa ka bang diwata o prinsesa? Malamang ganito ngumiti ang iyong Prince Charming. Sila yung mga taong kailangan ng maraming halik para maging tao. Kung hindi, forever na silang kokak at tatanda at tatawaging King Frog. Pero masarap silang i-adobo. Exotic.

Madalas sila din pala yung mga "Green Minded". Lahat na lang ng bagay bibibigyan nila ng kapilyuhan. Tulad ng "Wow, ang laki ng hinaharap mo ah!"

Ngiti pa lang alam mo na ang ibig nila sabihin.


4. Ngiting CopyCat
Ganito ngumiti ang mga cheater sa school. Kapag may nakita kang ganito ngumiti during examinations, iwasan mo na at humanap ng ligtas na upuan para di ka niya tabihan sapagkat 100% ito yung taong di nagrereview.

Papasok lang pag exam tas aasa sa katabi. Sila din yung mga taong madalas walang assignment.

Pero at least, sila yung maaagang pumasok sa school. (Kasi magha-haunting sila ng pagkokopyahan ng sagot sa assignment)


5. Ngiting Bulldog
Ganito ngumiti yung mga bantay sa airport, bus station, terminals, at mga raid. Eksperto sila sa paghanap ng mga bomba, droga, smuggled goods at kung ano-anu pang mga illegal na bagay.

Sila ang mga bida kapag may bomb threat. At sila din kontrabida kapag may rally.

Mag-ingat sa kanila sapagkat sila ay may rabies!

6. Ngiting Babes
Sila naman ang mga health conscious (in short masisiba sa pagkain! Ang favorite tambayan nila...KUSINA! And the place they hated most? The Gym!

Kaaway sila ng mga jeepney driver. Kasi nagbabayad sila ng isa para sa dalawang upuan. Iniiwasan din silang isakay sa mga pedicab. At sila din ang may kagagawan kung bakit nauubusan ka ng sarili mong baon pag recess.

7. Ngiting Magdalena
Madalas mo silang makita sa gabi. Nakakaakit. Nakakatukso. Mabango at Malakas tumawa. Wahahaha!

Sa gabi sila kumakayod. Sa gabi rin sila lumilipad ng mababa. At sa gabi rin sila natutulog.

Magdalena kung sila ay tawagin, at hindi sisikat si F.Aguillar kung hindi dahil sa kanila.


8. Ngiting Tanggalable
Madalas silang kainggitan...ng mga bungal. Sapagkat sila ay may pustiso.

Ngunit sila ay tipid ngumiti, sapagkat ayaw nila ipakita ang kanilang gilagid.

Sila ay magastos sa toothpaste, sapagkat pati ngala-ngala ay ini-is-is.

Ngunit sila ay walang problema sa toothdecay at masakit na ngipin, sapagkat ang teeth nila ay detachable.

Malas lang nila kapag itinakbo ng daga ang ngipin nila.




9. Ngiting Killersmile
Nakakita ka na ba ng taong ngiti palang...wow!? Sila yun. Kung nasan man sila, nandun sila ngayon.

Ngiti ang kumbaga asset nila, pero "the breathe" naman ang liability.

Sila yung madalas mag-bubblegum at bibilutin pagkatapos at ididikit sa ilalim ng mesa.

Malas mo lang kapag sa ibabaw ng upuan nila idinikit at iyong naupuan.

Mas malas kapag kinurot ka ng nanay mo at inupakan dahil sa bubblegum na iyong pantalon.




10. Ngiting Blog Ong

Swabe!

Simple pero may dating. Yan ang ngiting Blog Ong. Ngiti pa lang, mai-ihi este maiinlove ka na.

Pagkatapos mo magbasa at magrelax sa Blog Ong, lalabas kang may "Tatak Blog Ong"

Ang buhay ay masaya.
Basta may tumatawa.

Yan ang Blog Ong...Blog na Masaya!

12:04 AM

Blog Ong's: 100 URGENT QUESTIONS!!!!

Posted by NEIL LORD V. GUITANG |

Seryoso ako ngayon.

Napakaraming tanong ang dumadaloy sa aking utak. Di ko na ito kaya. Ayoko na. Tama na. Sobra na. Litung-lito na ako...

Sinong sasagot?

1. Ano ang synonym ng "Thesaurus?"
2. Ang asin ba napapanis din?
3. Si Jollibee ba kumakain din sa McDonalds? (vice versa)
4. Ano ang english ng balot?
5. Nagegel ba si Son Gokou?
6. Bakit walang bibig si Hello Kitty?
7. May nalunod na bang seaman at lifeguard?
8. May nasunog na bang firestation?
9. Bakit pa tayo kumakain, e magugutom din naman tayo mamaya?
10. Kapag kalbo ang chef, kailangan pa ba niya ng hairnet?
11. Kung meron lightspeed at soundspeed, meron din bang smellspeed?
12. Pwede ka bang umiyak sa ilalim ng tubig?
13. Naaalala ba ng mga butterflies ang buhay nila nung caterpillar pa sila?
14. Ano ang english ng pink, beige, magenta, at puscha?
15. Ano ang apelyido ni Pink, Enya at Akon?
16. Ano ang ibig sabihin ng Dictionary?
17. May bulag din bang langaw?
18. Ang lason ba pag na-expired, nakakalason pa rin?
19. Ano ang tagalog ng hamburger?
20. Bakit may plastik ang tae ng pusa?
21. Bakit sampu lang ang sampung utos ng Dios?
22. Bakit ang pizza nakalagay sa square box?
23. Lahat ba ng flight stewardess marunong lumipad?
24. Bakit ka naligo? Aalis ka ba?
25. Ilan ang kulay ng budhi?
26. Sino ang pinakamatangkad na unano?
27. Pwede bang uminom ng softdrinks during coffee brake?
28. Kapag ang pagong tinanggal sa shell, homeless ba siya o naked?
29. Batas ba ang coleslaw?
30. Pwede bang magpuyat sa araw?
31. May nalunod na bang isda?
32. Meron bang isdang hindi marunong lumangoy?
33. Ang babyfish ba nagagatas din? (hehe tanong ng pamangkin ko)
34. Paano matulog ang kuba?
35. Sa Malabon lang ba pwedeng kumain ng pansit malabon?
36. May nightswimming ba sa tanghali?
37. Nasubukan niyo na bang magpuyat sa umaga?
38. Si Spiderman ba ang nagpauso ng website?
39. Bakit may baog, e diba hindi nabubuntis o nakakabuntis ang baog?
40. Totoo ba na ang taong malaki ang sapatos, malaki ang paa?
41. Pwede bang gawin na lang sa monday ang easter sunday?
42. Bakit sa gabi lang itinitinda ang balot?
43. Bakit hindi pwede mag-almusal sa gabi?
44. Marunong ba mag-isip ang mga tanga?
45. Bata pa ba lola mo?
46. Naiinsulto ba mga baboy kapag sinabihan mo silang payat?
47. Ang pussycat ba may pussy? (patnubay ng magulang ay kailangan)
48. Bakit ine-sterilize pa nila yung ginagamit na needle sa lethal injection?
49. May interpreter bang ngongo?
50. Bakit pag nagtanan hindi dapat magpaalam sa magulang?
51. Meron bang Bicol Express na di maanghang?
52. Kung mamatay ka, bakit hindi pa ngayon?
53. Ang Night Bowl ba pwedeng gawin sa umaga?
54. Nagpaparebond din kaya si Rapunzel? (tanong ulit ng pamangkin ko)
55. Paano tumutubo ang seedless na orange, grapes at apple?
56. Ang lamok ba pag natutulog, nilalamok din?
57. During lunch lang ba pwede gamitin ang lunchbox? (tanong ng isa ko pang pamangkin)
58. Nagsasara ba ng 24-hour Mercury Drug?
59. May bulaklak bang kulay green?
60. If you see an endangered animal eating an endangered plant...what will you do? (tanong ng teacher ko sa science...ala rin syang kwenta!)
61. Kung ang pangalan mo "Ikaw" at pangalan ko "Ako", tas tinanong kita "Sino pangit?" ano isasagot mo?
62. Ano pangalan ni Sleeping Beauty? (tanong ng lola ko, matanda na di pa alam!)
63. Calculator ba ang Aurora?
64. Ang mga tax collectors ba nagbabayad ng tax?
65. Paano mangulangot si Pinnochio kapag humahaba ilong niya?
66. Si Judas ba nagbabayad din sa jeep?
67. Yung conductor ba sa opera, siya rin yung conductor sa jeep?
68. Ang ipis ba pag dinapuhan ng kapwa ipis, nandidiri din?
69. Maasim ba ang panis na sinigang?
70. Gaano ba talaga kadalas ang minsan? (tanong ng mga adik sa teleserye)
71. Pag bumili ka ba ng plastic, ipinaplastic pa rin?
72. Ang dighay ba pag nilunok nagiging utot?
73. Nauuhaw din ba ang mga fish?
74. Pag dadalawa lang ba kayo na nasa elevator at kinalabit mo ang kasama mo, malalaman kaya nya?
75. Bakit binibilog ang kulangot bago patalsikin?
76. Bakit ang mga fingers natin di magkakapareho ang size?
77. Pagbinuhat ba kita tapos binuhat mo ko, lulutang ba tayo?
78. What did the bench mark? Why is the stop light? Where did Rizal Park? Where did the Teachers Camp? Where did Johnson Go? Why is Lucio Tan? What did Henry Sy? Why is Ben Gay? Why is Alma Moreno?
79. If I am here on earth to help others, what the heck are the others on earth for?!
80. Totoo bang may tanong na walang sagot?
81. Bakit ka napapaluha pag nagbubunot ka ng buhok sa ilong?
82. Nakakarating ba ang FedEx sa residence ni God?
83. Nagpapadala rin kaya ang LBC sa DHL?
84. Ibinabangko rin kaya ng mga banks ang pera nila?
85. Sinong song writer ng Bahay Kubo?
86. Bakit ang utot di na lang sa ilong lumabas?
87. Ang tae ba ng langaw nilalangaw din?
88. Ano ang ingles ng singaw?
89. Naiinlove din kaya mga pike sa mga sakang?
90. Ano ang tagalog ng toothpaste?
91. Bakit ang mga istasyong ng police natin walang guwardiya?
92. May wrong spelling ba sa spelling contest?
93. Bakit ang glue, paste at mighty bond hindi dumidikit sa kanilang lalagyan?
94. Ang mga dentist ba nagpapabunot din ng ngipin?
95. Paano patayin ang ipis?
96. Totoo bang may mabahong pabango?
97. May naka-sachet na bang gasolina?
98. Bakit ang mga teacher magsusulat sa blackboard tas buburahin din?
99. Nagpupustahan din kaya mga seahorse pag nagkakarera sila?
100. Bakit ba ang dami kong tanung?

Ayoko na. Tama na. Nauutot na ako sa katatawa.

9:57 AM

Blog Ong's (un)Quotable Quotes!!!

Posted by NEIL LORD V. GUITANG |

Sawa na tayo sa mga nakakaantok na salawikain...

Nais na nating batuhin ang Pilipino titser natin sa harapan na kulang nalang e lamunin ng lupa sa katandaan.

Bigyan natin ng kulay ang ating sariling wika...eto na ang mga bagong pilipinong salawikain!

Ating sampulan!

"Kapag maiksi ang kumot...sa baby ipagamit!"
- Anonymous

"Papunta ka pa lang...sige ingat!"
- Anonymous

"Ang naglalakad ng matulin...tumatakas!"
- Anonymous

"Aanhin pa ang damo...kung garden mo sementado?"
- Anonymous

Abangan....

Subscribe